Kesa wala

September 28, 2009 by jerico

campaign

Laging sa puna na lang naka-focus, mas-ok ata ‘to kesa you “feel bad” lang dahil na sa bahay ka lang na parang naperwisyo ka pa nung mga nasalanta, at papuna-puna ng mga ng nagagawang mali ng mga taga-gobyerno, at i-death threat si Jacque Bermejo sa facebook, at kung ano.

Dun na lang ako sa positive side ng mga bagay, at least may makakain.

Shytype

September 18, 2009 by jerico

Nahihiya ako sa nanay ko, masyado akong absorbed sa photography at stop-motion animation na-neglect ko yung scriptwriting. Sino bang may gustong may ulitin.

Sana di ko na in-enroll, napaka-impulsive kase, nagdedesisyon andun na sa registrar.

Nawawala

September 16, 2009 by jerico

Hindi ko napapansin kung pano pumunta sa mga lugar kapag may kasama, parang pag ako na lang mag isa e first time ko nanaman. Kaya ayun, muntik na lage ako mawala.

Pinaka-una kong naalala na nawala ako e nung first year high school ako (nag-start ako mag-commute), after 2 days hindi na ko sumasabay kay ate pauwi, feeling marunong na. Ang naalala ko kasi may Zapote yung jeep na sinasakyan namin, malay ko bang iba yung Zapote Kabila sa Zapote lang. Kaya ayun ulit, napunta ako sa may Kabila na wala akong idea kung saan. Ang naisip ko bumalik na lang sa school, buti na lang may Las Pinas Bayan na jeep. Then naka-chamba ako ng jeep na dadaan sa village namin. Either way kasi mali, dapat pala Alabang or SM Southmall.

Wala lang, sharing. Madami na kasi akong experiences na ganyan. Yung Baclaran at Baclaran Coastal, yung Ayala at LRT Ayala.

Ay madalas din ako lumampas, pero ibang kwento na yun. Haha

Wireless Broadband

September 8, 2009 by jerico

Kahit saglet, na-enjoy ko yung idea na mag-karon ng ano, yung internet sa pina-plug lang sa usb port. Naimagine ko na kapag meron na kami nun, malamang dala ko na lage yung pc dito. Baka maging productive na rin ako sa school lalo na may long-break ako tuwing MWF.

Pero naisip ko, tuwing umaalis na nga lang ako ng bahay hindi nakaka-internet. Masyado na akong adik sa internet, naba-bother ako pag may sumosobra. Kaya di na lang.

At isa pa wala naman kameng pang-bayad dun haha.

Cinemalaya o School

July 26, 2009 by jerico

Monday pa nag-start ang classes, di pa ko nakakatapak ng school simula nung last enrolment, e Thursday na ngayon. Ewan ko ba, masyado kong nawiwile sa Cinemalaya na yan. Siguro pag matanda na ko’t may trabaho mag-leave na lang ako ng 1 week tas bibili ng festival pass. Haha, jusko.

Medyo iba setup ngayon, unlike before, na minsan lang ko may kasama manood na madalas mag-isa lang kaya ayaw na ayaw ko yung break every after movie kase wala kaseng magawa walang ma-compare-an ng reaction, wala rin akong maulitan nung mga lines na natawa ko o scenes na nakakawindang. Buti rin nagustuhan nung mga hinatak ko (hi siops, nona, doc, audrey) yung films.

Masaya rin mag 3 (minsan 2 lang pag inaantok na) films a day everyday. Hindi ako nag-sawa manood ng bago lol. I love pinoy films wahoho. Gusto ko ung shirt dun sa may bilihan pero wala kong pera, ang dami ko ng utang. Sawa na ko sa Jollibee.

Tapos ano, shytype na rin ako ngayon, dati hinahagilap ko pa yung directors or yung mga artista dun para maki-pichur, ngayon hindi na. Kaseee hindi ko sila machempuhan lol.

Napanood ko lahat ng entries + lupang hinarang – musa kase late ako sa shorts a.

Tapos tapos nakita ko na rin si Danica na kebigan ni Jep pero wala si Jep. Ang taba ko daw medyo. Siya lang nag-sabe nun. Tapos nakakatensyon.

Masaya, masaya mga entries. Masaya manood sa CCP. Kase yung mga tao sa theatre e interested din sa kung ano mai-ooffer nung mga film makers. Saka pag may nakakatawang scenes, or nakakadire, e nakakahawa. Lalong nakakatwa, lalong nakakaiyak, Nakakatuwa pag may nagpupunas na ng luha, madalas kase ang lakas ng epek nung pinapanood. Kahet masaket na likod ko sa Tanghalang Huseng Batute kase walang sandalan, mas ok pa rin manood sa CCP. Inulit ko yung Namets (Cinemalaya 08) sa bahay, iba talaga CCP. Nasabe ko na ba? Masaya pag sa CCP nanood. Lol. Kaya na-e-excite ako pag July e. :)

postscript
kung ano maisipan tinatype kaya ganyan.

Gusto ko nun

July 15, 2009 by jerico

May mga panahon na ang dami-dami kong gustong bilihin. Nagbabasa ako ng specs, reviews, nag-bibuild ng blah (in case by part siya binibile), iniimagine na kung ano na kapag meron na ko nun, kung gano ka na-convenient buhay ko o kung san ko pa siya gagamiten o kung pwede ba siyang i-hack, lagyan ng third-party firmware/apps at kung ano pa.

Napag tanto ko, nagiging greater lang yung urge kong magkaron ng mga yun kapag nagbabasa ako tungkol sa kanila. Kapag lagi kong chinecheck ang prices o kahit ano. Ang ginagawa ko, kino-close ko yung mga tabs in a way na kahit glance di ko na makikita yung web page na nagcocontain nung information dun sa product. Then, tatry ko mag move on.

Ilang beses ko na rin sinasabi sa sarili ko na last na yung camera sa mga mahal na bagay na papabili ko, yung mga susunod sariling sikap na talaga. Pero minsan ang lakas talaga ng urge, nagtatanong pa rin ako kung pwede ba bilihin yung kung ano mang gusto ko kahit sure akong hindi papayag. Di naman ako dismayado, para lang ba mabanggit, para masabing sinubukan, para mailabas sa loob. Gusto ko lang i-share sa nanay ko na gusto ko nun para nga mas madaling mag move on.

Walalala lang.

Tambay sa Lab habang nakikinig ng Jump Rope

July 3, 2009 by jerico

Tambay sa Lab

Nakakahiya rin na gawing example yung gawa mo a, at i-compare dun sa much much better painting. Lalo pa sa buong class pinopoint-out yung mali. Pero di ko rin siya masisi, buong mag-damag na ginawa ko yun e hindi rin ako natuwa kahit konte, balak ko na nga i-tapon pagkacheck. Lol, pero Monday daw, baguhin ko.

Tumambay na lang ako sa lab after, tas nakining ng Jump Rope. Pampalubag loob. :)

Up down
Up down
Up down
Up down yeah
Cause it will get hard
Remember life’s like a jump rope

-

Pero sabi nga ni roch, at least example pa rin. Lol

Kung ano

June 30, 2009 by jerico

Matatapos na ang 4th term, nauubusan na ko ng majors na kukunen, gusto ko pa ng majors ayoko na ng lectures. Meron akong isang english ngayon, na-max ko na yung absences ko, pano na kung puro ganun next term, sino sisipagen. Sana ako, pengeng sipag.

Naeexcite ako sa Cinemalaya 2009, sakto sa 3-day term break namen, tatambay nanaman ako sa CCP, dun na muna ko mag-stay for a week, maeenjoy ko nanaman yung mga magagandang pinoy films, makakasalamuha mga kung sino.

Nawawala na yung Globe sim ko, pinalinis kase yung kwarto e na sa sahig siya isang gabe, tas boom wala na. Sayang sayangg. Ts.

Nakakapagod na rin yung kopya ng kopya ng kopya ng artworks na iba, kahit pa sabihin na nilagyan mo ng sariling style e may “kopya” feel pa ren. Gusto ko ng authentic na aken, pero siguro di na lang ako magfofocus sa ganun, go programming + konteng design.

Wala ko sa mood sa mga bago ngayon, sinusubukan ko manood e pinopause ko lang. December lang talaga ko masipag manood ng hindi series, sana mag-December na gusto ko na ng bagong films, pero ok na rin ako sa Cinemalaya :)

Ui nagblog na ulit ako, may nakakatamad na feel pag April to June, kahit sa previous blogs ko ewan ko ba.

Pang-tumblr

May 9, 2009 by jerico

Na-realize ko na masbagay sa tumblelog yung karamihan sa mga entries ko dito. Simula ngayon susubukan ko na yung pang-”blog” na entries, tapos yung iba sa tumblr na lang.

Saka ano pala, mas-convenient mag-post dun.

Chuck

April 22, 2009 by jerico

Chuck sa TV

Nakakatuwa yung last episode. Sana hindi pa siya yung last ever.