
Umalis kami ng Las Pinas ng past 3pm, nakarating kami ng Baguio ng mga 10pm. Exciting yung byahe, lalo sa Kennon Road, walang tatalo. Haha. After nun, dahil hindi available yung kamag-anak namin para sunduin kami, nagstay muna kami sa Hotel Supreme. Ayos naman dun, may free breakfast at mainit na tubig. Yosh!
Kinaumagahan, sinundo na kami galing sa hotel para pumunta sa bahay na titirahan namin sa susunod na mga araw. Ang ganda nung bahay, ang laki pa. Tapos hindi ko na alam ang idudugtong ko dito.
Pumunta kami sa mga madalas puntahan ng mga dumadayo dun, parang field trip ko lang nung third year (at nawawala yung post ko sa dating kong blog tungkol dun, grr). PMA, Strawberry Farm na walang strawberry kasi hindi daw panahon, Mines View Park, Good Sheperd. SM Baguio, at konti pang iba. Ang favorite ko dun yung lamig eh, ang saya kasi, mga 1-4pm lang yung mainit (kasing init ng 8am dito). Kaso medyo polluted na yata yung city at yung daan hindi pantay lagi.
Tapos umuwi na rin kami, umalis kami dun ng 8am, nakauwi kami ng 3pm. Sobrang init nung wala na kami sa mga bundok, grabe, ang lagkit eh.
First time ko rin pala gamiting yung Teko PN-919 at eto ang ilang mga shot, black and white film yung gamit ko.
Happy Birthday Jojo
July 2, 2007 at 6:03 pm |
anong camera gamit mo? ang cool
July 2, 2007 at 11:35 pm |
Canon IXUS 850 IS. ty, hehe
July 4, 2007 at 1:30 am |
nice shot. :)
i linked you up and it was really nice seeing you back there.. :P
July 4, 2007 at 11:31 pm |
[...] From Baguio « jerico Published in: [...]
July 4, 2007 at 11:42 pm |
[...] From Baguio « jerico [...]