Matatapos na ang 4th term, nauubusan na ko ng majors na kukunen, gusto ko pa ng majors ayoko na ng lectures. Meron akong isang english ngayon, na-max ko na yung absences ko, pano na kung puro ganun next term, sino sisipagen. Sana ako, pengeng sipag.
Naeexcite ako sa Cinemalaya 2009, sakto sa 3-day term break namen, tatambay nanaman ako sa CCP, dun na muna ko mag-stay for a week, maeenjoy ko nanaman yung mga magagandang pinoy films, makakasalamuha mga kung sino.
Nawawala na yung Globe sim ko, pinalinis kase yung kwarto e na sa sahig siya isang gabe, tas boom wala na. Sayang sayangg. Ts.
Nakakapagod na rin yung kopya ng kopya ng kopya ng artworks na iba, kahit pa sabihin na nilagyan mo ng sariling style e may “kopya” feel pa ren. Gusto ko ng authentic na aken, pero siguro di na lang ako magfofocus sa ganun, go programming + konteng design.
Wala ko sa mood sa mga bago ngayon, sinusubukan ko manood e pinopause ko lang. December lang talaga ko masipag manood ng hindi series, sana mag-December na gusto ko na ng bagong films, pero ok na rin ako sa Cinemalaya :)
Ui nagblog na ulit ako, may nakakatamad na feel pag April to June, kahit sa previous blogs ko ewan ko ba.