Hindi ko napapansin kung pano pumunta sa mga lugar kapag may kasama, parang pag ako na lang mag isa e first time ko nanaman. Kaya ayun, muntik na lage ako mawala.
Pinaka-una kong naalala na nawala ako e nung first year high school ako (nag-start ako mag-commute), after 2 days hindi na ko sumasabay kay ate pauwi, feeling marunong na. Ang naalala ko kasi may Zapote yung jeep na sinasakyan namin, malay ko bang iba yung Zapote Kabila sa Zapote lang. Kaya ayun ulit, napunta ako sa may Kabila na wala akong idea kung saan. Ang naisip ko bumalik na lang sa school, buti na lang may Las Pinas Bayan na jeep. Then naka-chamba ako ng jeep na dadaan sa village namin. Either way kasi mali, dapat pala Alabang or SM Southmall.
Wala lang, sharing. Madami na kasi akong experiences na ganyan. Yung Baclaran at Baclaran Coastal, yung Ayala at LRT Ayala.
Ay madalas din ako lumampas, pero ibang kwento na yun. Haha