Nahihiya ako sa nanay ko, masyado akong absorbed sa photography at stop-motion animation na-neglect ko yung scriptwriting. Sino bang may gustong may ulitin.
Sana di ko na in-enroll, napaka-impulsive kase, nagdedesisyon andun na sa registrar.
Nahihiya ako sa nanay ko, masyado akong absorbed sa photography at stop-motion animation na-neglect ko yung scriptwriting. Sino bang may gustong may ulitin.
Sana di ko na in-enroll, napaka-impulsive kase, nagdedesisyon andun na sa registrar.
Monday pa nag-start ang classes, di pa ko nakakatapak ng school simula nung last enrolment, e Thursday na ngayon. Ewan ko ba, masyado kong nawiwile sa Cinemalaya na yan. Siguro pag matanda na ko’t may trabaho mag-leave na lang ako ng 1 week tas bibili ng festival pass. Haha, jusko.
Medyo iba setup ngayon, unlike before, na minsan lang ko may kasama manood na madalas mag-isa lang kaya ayaw na ayaw ko yung break every after movie kase wala kaseng magawa walang ma-compare-an ng reaction, wala rin akong maulitan nung mga lines na natawa ko o scenes na nakakawindang. Buti rin nagustuhan nung mga hinatak ko (hi siops, nona, doc, audrey) yung films.
Masaya rin mag 3 (minsan 2 lang pag inaantok na) films a day everyday. Hindi ako nag-sawa manood ng bago lol. I love pinoy films wahoho. Gusto ko ung shirt dun sa may bilihan pero wala kong pera, ang dami ko ng utang. Sawa na ko sa Jollibee.
Tapos ano, shytype na rin ako ngayon, dati hinahagilap ko pa yung directors or yung mga artista dun para maki-pichur, ngayon hindi na. Kaseee hindi ko sila machempuhan lol.
Napanood ko lahat ng entries + lupang hinarang – musa kase late ako sa shorts a.
Tapos tapos nakita ko na rin si Danica na kebigan ni Jep pero wala si Jep. Ang taba ko daw medyo. Siya lang nag-sabe nun. Tapos nakakatensyon.
Masaya, masaya mga entries. Masaya manood sa CCP. Kase yung mga tao sa theatre e interested din sa kung ano mai-ooffer nung mga film makers. Saka pag may nakakatawang scenes, or nakakadire, e nakakahawa. Lalong nakakatwa, lalong nakakaiyak, Nakakatuwa pag may nagpupunas na ng luha, madalas kase ang lakas ng epek nung pinapanood. Kahet masaket na likod ko sa Tanghalang Huseng Batute kase walang sandalan, mas ok pa rin manood sa CCP. Inulit ko yung Namets (Cinemalaya 08) sa bahay, iba talaga CCP. Nasabe ko na ba? Masaya pag sa CCP nanood. Lol. Kaya na-e-excite ako pag July e. :)
postscript
kung ano maisipan tinatype kaya ganyan.
Matatapos na ang 4th term, nauubusan na ko ng majors na kukunen, gusto ko pa ng majors ayoko na ng lectures. Meron akong isang english ngayon, na-max ko na yung absences ko, pano na kung puro ganun next term, sino sisipagen. Sana ako, pengeng sipag.
Naeexcite ako sa Cinemalaya 2009, sakto sa 3-day term break namen, tatambay nanaman ako sa CCP, dun na muna ko mag-stay for a week, maeenjoy ko nanaman yung mga magagandang pinoy films, makakasalamuha mga kung sino.
Nawawala na yung Globe sim ko, pinalinis kase yung kwarto e na sa sahig siya isang gabe, tas boom wala na. Sayang sayangg. Ts.
Nakakapagod na rin yung kopya ng kopya ng kopya ng artworks na iba, kahit pa sabihin na nilagyan mo ng sariling style e may “kopya” feel pa ren. Gusto ko ng authentic na aken, pero siguro di na lang ako magfofocus sa ganun, go programming + konteng design.
Wala ko sa mood sa mga bago ngayon, sinusubukan ko manood e pinopause ko lang. December lang talaga ko masipag manood ng hindi series, sana mag-December na gusto ko na ng bagong films, pero ok na rin ako sa Cinemalaya :)
Ui nagblog na ulit ako, may nakakatamad na feel pag April to June, kahit sa previous blogs ko ewan ko ba.

First time mag-acrylic, ang gara, ang hirap mag blend. Ang bilis matuyo, pag natuyo naman tuyo na siya forever. Saka ang laki ng mata.

Anim na cartolina. Permanent marker. Tig-anim na tao per group. Nung natapos.

Ako nag-arrange nyannn, hahaha. Yung sa ibang group kasi mga parang portrait ng happy family, at isa pa akala namin masmadale pag nakatuwad, less ang detail. LOL
Di ko natapos yung akin -__-

Walang magawa kanina, tinatamad pumasok, nilaro na lang yung straw. Mahirap yung timing, kailangan ng chamba haha

Member na ko ng MIT-Mountaineering Club. Nag Basic Mountaineering Course na kami kahapon, na masaya naman pero mahaba. Magkakaron ng minor climb next week or after nun, nakaka-excite. *_*
minor climb: weekend, overnight, sa malapit na province lang.
Maga-apply din sana ako sa JPCS-MIT (Junior Philippine/s Computer Society), pero ganito nangyari:
Sa School
Masaya sa school ngayon, saksakan ng daming ginagawa. Nakuha ko kay Kate Lynne yung idea na nakaka-stress yung tumunganga. Pero namimiss ko pa rin mag space-out minsan. Pero masayang may ginagawa. Hindi siya nakaka-stress, nakakapagod lang (gets mo baa).
Tuesday nags-start yung mabibigat na trabaho, kasi salitan yung Fundamentals of Design (TTh) at Technical Drawing (WF). Tapos parehas nagbibigay ng mabibigat na homewerk, tapos pang-gabi, kaya hindi pwede i-cram kasi takaw-oras talaga mga pinag-gagawa. Pero masaya ulit.
Nakakanood pa rin naman ako, hindi naman nawawala yun. Nagbabaon ako ng movies, magazines (pdf), libro, at kung ano. Nanonood ako sa library, natutulog, nagiinternet. Meron kasi akong 4.5 hours kasi break ko. Minsan dun ko na rin ginagawa yung mga homewerk pero may mga minsan na hindi pwede, kailangan sa bahay.
Ok yung mga teachers, halo-halo. May liberal, hindi masipag, hindi prepared, maligalig, maaga magpa-uwi, mahilig sa film showing, intellectual, mahilig magpa-assignment, mahilig mag +5 pag may book (1kg) na dala kahit hindi naman ginamit ni minsan, hindi natuturo yung subject matter, magaling, nakiki-sali sa class, at mahilig sa joke.
Sa Libro
Ewan pero bigla kong na-tripan mag-basa ng libro. Gusto ko siya masama sa araw-araw na buhay kahit na e sa byahe lang ako nagbabasa. Natapos ko na yung Stainless Longganisa ni Bob Ong, masaya siya basahin, minsan natatawa na lang ako sa bus or naiiyak or may nare-realize bigla. Madami kasing bagay dun na nao-overlook madalas na binigyan pansin dun. Madami ring reklamo at kung ano.
Binabasa ko ko ngayon yung Tutubi Tutubi ‘Wag Kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe ni Jun Cruz Reyes. Tapos wala na kong babasahin after, yung Fruitcake sana ng Eraserheads kaso nahihiya ako hiramin. Di ko pa rin trip magbasa ng foreign books, pero susubukan ko siguro pag dating ng panahon.
Tapos ano, ngayon lang ako nawili mag-basa talaga ng libro. Mahilig ako mag-basa pero pag na sa book, ek may ibang dating.
Sa Pagkakape
Ayun, nag-start nanaman ako mag-kape. Nag-stop ako for two weeks then kinailangan ko ulit. Minsan dahil sa pagod, minsan dahil sa lungkot, minsan wala lang, minsan dahil may assignment, minsan nauuhaw, minsan walang no choice, minsan blah blah.
Kape forever. *_*
Sa Pagtatanong
Sabi ko dati kung ayaw mong matanggihan, wag kang magtanong. Pero napagtanto ko ngayon lang na minsan kung gustong gustong gusto mo yung isang bagay na kahit alam mong malaking chance na matanggihan ka e tatanungin mo pa rin. Para may chance ba, at least. OR alam mo na talaga yung sagot, wala ng uncertainty, kahit natanong mo na before. *_*
Minsan naiinis na talaga ko sa mga impulses ko, ayaw ko na talaga e, umiiwas na ko.. Pero may instances na sakto lahat (scheds, events, etc) tapos nakakatuksong magtanong tapos tinanong mo pero ganun pa rin pala. Sayang.
Sa Magisa
Napagtanto ko rin na sanay na kong mag-isa, hindi na siya pintas or kung anong negative. Ok lang, naka-survive naman ako ng last three terms na walang permanent na kasama or minsan wala talaga.
Bonus na yung may makasama ako for a day or may biglang may magyaya gumala. Dun lang ako nakakadaldal sa mga bagay, sa mga kakornihan atbp. May mga taong gusto ko talaga kasama, yung iba gusto rin ako kasama kaya masaya, yung iba ayaw sa akin. O punasan ko luha ko. Hahaha
Hindi ko alam next term kung makakasama ko pa yung mga kasama ko ngayon. Pero good luck na lang. Pero alam ko rin naman na choice ko kung makakasama ko sila, ang dali dali pumili ng sections. Pero bahala na rin. Hindi ko alam. Ayoko pa isipin. Bah~

After ng hindi ko masyadong trip na COE112 class, nag-shoot ulit ako kasama si Siops para sa assignment ko sa photography class. Then nag-hintay na kami para sa Art History at nabalitaang wala si Ma’m Madrid. Tapos sabi niya magdo-DOTA na lang siya.
Kami naman nina Eric, Leo, at Doc (MAS classmates na galing sa CE, AR, at ID) e nagkayayaan mag-Hidalgo kasi kailangan nila ng camera. Nakakapang-ano talaga dun, gusto ko na rin tuloy ng fully-manual na SLR. Rawr. Wala namang pambili kaya e wag na lang.
Napansin ko na rin na ang mura ng Canon G9 dun, 24k e sa CameraHaus 32k. Pero nabanggit lang, haha. Feeling makakabili e, kung tig-dos mil na lang siguro yun. Pero asa. LOL
Ayun then umuwi na ko at kailangan ko mag-SM para magpa-develop. Sabi ko sa sarili ko na e pag-natapos ko yung tatlong assignments ko pwede ako mag-cinemalaya tomorrow. Eh mukang di ko na matapos, jusko ang tagal ko sa Digiprint, ang tagal ng turn ko. Rawr.
Tapos ano, walang telepono/internet sa bahay, 2 days na. Buti naman indi na naman ko masyadong apektado unlike before. Tuloy ang buhay. Lalala