Sa School
Masaya sa school ngayon, saksakan ng daming ginagawa. Nakuha ko kay Kate Lynne yung idea na nakaka-stress yung tumunganga. Pero namimiss ko pa rin mag space-out minsan. Pero masayang may ginagawa. Hindi siya nakaka-stress, nakakapagod lang (gets mo baa).
Tuesday nags-start yung mabibigat na trabaho, kasi salitan yung Fundamentals of Design (TTh) at Technical Drawing (WF). Tapos parehas nagbibigay ng mabibigat na homewerk, tapos pang-gabi, kaya hindi pwede i-cram kasi takaw-oras talaga mga pinag-gagawa. Pero masaya ulit.
Nakakanood pa rin naman ako, hindi naman nawawala yun. Nagbabaon ako ng movies, magazines (pdf), libro, at kung ano. Nanonood ako sa library, natutulog, nagiinternet. Meron kasi akong 4.5 hours kasi break ko. Minsan dun ko na rin ginagawa yung mga homewerk pero may mga minsan na hindi pwede, kailangan sa bahay.
Ok yung mga teachers, halo-halo. May liberal, hindi masipag, hindi prepared, maligalig, maaga magpa-uwi, mahilig sa film showing, intellectual, mahilig magpa-assignment, mahilig mag +5 pag may book (1kg) na dala kahit hindi naman ginamit ni minsan, hindi natuturo yung subject matter, magaling, nakiki-sali sa class, at mahilig sa joke.
Sa Libro
Ewan pero bigla kong na-tripan mag-basa ng libro. Gusto ko siya masama sa araw-araw na buhay kahit na e sa byahe lang ako nagbabasa. Natapos ko na yung Stainless Longganisa ni Bob Ong, masaya siya basahin, minsan natatawa na lang ako sa bus or naiiyak or may nare-realize bigla. Madami kasing bagay dun na nao-overlook madalas na binigyan pansin dun. Madami ring reklamo at kung ano.
Binabasa ko ko ngayon yung Tutubi Tutubi ‘Wag Kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe ni Jun Cruz Reyes. Tapos wala na kong babasahin after, yung Fruitcake sana ng Eraserheads kaso nahihiya ako hiramin. Di ko pa rin trip magbasa ng foreign books, pero susubukan ko siguro pag dating ng panahon.
Tapos ano, ngayon lang ako nawili mag-basa talaga ng libro. Mahilig ako mag-basa pero pag na sa book, ek may ibang dating.
Sa Pagkakape
Ayun, nag-start nanaman ako mag-kape. Nag-stop ako for two weeks then kinailangan ko ulit. Minsan dahil sa pagod, minsan dahil sa lungkot, minsan wala lang, minsan dahil may assignment, minsan nauuhaw, minsan walang no choice, minsan blah blah.
Kape forever. *_*
Sa Pagtatanong
Sabi ko dati kung ayaw mong matanggihan, wag kang magtanong. Pero napagtanto ko ngayon lang na minsan kung gustong gustong gusto mo yung isang bagay na kahit alam mong malaking chance na matanggihan ka e tatanungin mo pa rin. Para may chance ba, at least. OR alam mo na talaga yung sagot, wala ng uncertainty, kahit natanong mo na before. *_*
Minsan naiinis na talaga ko sa mga impulses ko, ayaw ko na talaga e, umiiwas na ko.. Pero may instances na sakto lahat (scheds, events, etc) tapos nakakatuksong magtanong tapos tinanong mo pero ganun pa rin pala. Sayang.
Sa Magisa
Napagtanto ko rin na sanay na kong mag-isa, hindi na siya pintas or kung anong negative. Ok lang, naka-survive naman ako ng last three terms na walang permanent na kasama or minsan wala talaga.
Bonus na yung may makasama ako for a day or may biglang may magyaya gumala. Dun lang ako nakakadaldal sa mga bagay, sa mga kakornihan atbp. May mga taong gusto ko talaga kasama, yung iba gusto rin ako kasama kaya masaya, yung iba ayaw sa akin. O punasan ko luha ko. Hahaha
Hindi ko alam next term kung makakasama ko pa yung mga kasama ko ngayon. Pero good luck na lang. Pero alam ko rin naman na choice ko kung makakasama ko sila, ang dali dali pumili ng sections. Pero bahala na rin. Hindi ko alam. Ayoko pa isipin. Bah~